Notification ng Privacy ng Google Chrome
Petsa noong na-archive: Agosto 26, 2014
Notice: Sinasaklaw na ngayon ng Patakaran sa Privacy ng Google ang Chromecast. Matuto nang higit pa.
Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin pinapangasiwaan ang personal na impormasyon kapag gumagamit ka ng mga produkto at serbisyo ng Google, maging kapag gumagamit ka ng Chrome browser at Chrome OS upang i-access ang mga produkto at serbisyong iyon.
Inilalarawan ng Notification ng Privacy ng Google Chrome na ito ang mga kasanayan sa privacy na partikular sa hanay ng mga produkto ng Chrome. Kasama dito ang Chrome browser, Chrome OS at Safe Browsing. Ang ilan sa mga feature na inilalarawan sa Notification ng Privacy na ito ay available sa iba pang mga web browser (hal. maaari mong piliing gamitin ang mga feature ng Safe Browsing sa Mozilla Firefox), kaya tandaan na dapat mo ring basahin ang patakaran sa privacy para sa browser kung saan gumagana ang mga feature.
Hindi lumalabas sa lahat ng produkto ng Chrome ang lahat ng tampok na tinatalakay sa Notification ng Privacy na ito. Gayunpaman, upang panatilihing simple ang mga bagay-bagay, gagamitin namin ang terminong "Chrome" upang tukuyin ang bawat isa sa mga produktong nabibilang sa hanay ng Chrome. Kapag may indibidwal na produkto ng Chrome na gumagana sa ibang paraan, siguradong bibigyang-diin namin iyon.
Para sa mga nauunang gumagamit na gustong subukan ang mga feature na dine-develop pa lang, ginawa naming available ang mga preview na bersyon (kilala rin na beta, dev at canary) ng Chrome browser at Chrome OS bilang karagdagan sa stable na bersyon. Bagama't nalalapat sa mga stable at preview na bersyon ang Notification ng Privacy ng Google Chrome na ito, maaaring hindi ito ganap na napapanahon kapag inilalarawan ang mga feature na dine-develop pa lang sa mga preview na bersyon.
Ino-notify ka ng Google tungkol sa anumang mahahalagang pagbabago sa patakarang ito, at palagi kang magkakaroon ng pagpipiliang gamitin ang Chrome sa isang paraang hindi nagpapadala ng anumang personal na nakakapagpakilalang impormasyon sa Google, o alisin ang iyong impormasyon at huwag nang magpatuloy sa paggamit nito.
Para sa mga sunud-sunod na gabay upang makatulong na pamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa privacy, basahin ang aming gabay sa Mga Browser, Google Chrome, Privacy at Ikaw.
Impormasyong natatanggap ng Google kapag gumagamit ka ng Chrome
Hindi mo kailangang magbigay ng anumang personal na nakakapagpakilalang impormasyon upang makagamit ng Chrome.
Kapag gumagamit ka ng anumang browser, kasama na ang Chrome, upang makipag-ugnay sa mga server ng Google, makakatanggap ang Google bilang default ng karaniwang impormasyon ng log kasama na ang IP address ng iyong system at isa o higit pang cookies. Mako-configure mo ang Chrome browser at Chrome OS upang huwag tumanggap ng cookies mula sa Google o sa iba pang mga site. Matuto nang higit pa tungkol sa pag-configure ng cookies at data ng site sa Chrome browser at Chrome OS.
Kung gumagamit ka ng Chrome upang mag-access ng iba pang mga serbisyo ng Google, gaya ng paggamit sa search engine sa homepage ng Google o pagtingin sa Gmail, ang mismong paggamit mo ng Chrome ay hindi dahilan upang makatanggap ang Google ng anumang espesyal o karagdagang personal na nakakapagpakilalang impormasyon tungkol sa iyo.
Bilang karagdagan, maaaring magpadala ng limitadong karagdagang impormasyon sa Google o sa iyong default na search engine ang ilang tampok ng Chrome:
-
Kung ginagamit mo ang tampok na Maramihang User ng Chrome browser, makakapag-set up ka ng mga personalized na kopya ng Chrome browser para sa mga user na nakikigamit sa parehong computing device. Hindi nito nilalayong i-secure ang iyong data laban sa iba pang mga taong gumagamit ng iyong device - kaya matitingnan ng sinumang may access sa iyong device ang lahat ng impormasyon sa lahat ng profile. Upang ganap na maprotektahan ang iyong data upang hindi makita ng iba, gamitin ang mga built-in na user account sa iyong operating system.
-
Kung pipiliin mo ang Google bilang ang iyong search engine, makikipag-ugnayan ang Chrome sa Google kapag na-start ito o kapag nagpalit ka ng network upang matukoy ang pinakamahusay na lokal na web address na padadalhan ng mga query sa paghahanap. Kapag nag-type ka ng mga URL o query sa address bar ng Chrome (omnibox) o sa box para sa paghahanap ng App Launcher, maaaring ipadala sa iyong default na search engine ang mga titik na tina-type mo upang awtomatikong makapagrekomenda ng mga termino o URL na maaaring hinahanap mo ang feature na paghula ng search engine. Bukod pa rito, para sa mga naka-sign in na user, maaaring ipadala sa Google ang text na tina-type mo sa box para sa paghahanap ng App Launcher upang magbigay ng mga rekomendasyon para sa mga contact at app na maaaring hinahanap mo. Kung tatanggapin mo ang isang hinulaang query o URL, maaari ding ipadala ng Chrome ang impormasyong iyon mula sa browser patungo sa iyong default na search engine. Matuto nang higit pa tungkol sa pagdi-disable sa mga paghula ng server sa omnibox at mga patakaran sa paglo-log para sa mga paghula ng omnibox ng Google.
-
Kung magna-navigate ka sa isang URL na hindi umiiral, maaaring ipadala ng Chrome sa Google ang URL upang matulungan ka naming makita ang URL na iyong hinahanap. Maaari din naming gamitin ang impormasyong ito sa isang pinagsama-samang paraan upang matulungan ang iba pang mga user ng web - hal. upang ipaalam sa kanila na maaaring sira ang site. Matuto nang higit pa tungkol sa hindi pagpapagana sa mga mungkahi sa mga error sa pag-navigate.
-
Pana-panahong nakikipag-ugnay ang Chrome sa Google upang magsagawa ng mga paggana gaya ng pagtingin kung may mga update, pagsuri sa katayuan ng koneksyon, pag-validate sa kasalukuyang oras at pagtantiya sa bilang ng mga aktibong user. Ang bawat kopya ng Chrome browser ay may kasamang pansamantalang random na binuong numero sa pag-install na ipapadala sa Google kapag na-install mo at ginamit ang produkto sa unang pagkakataon. Tatanggalin kaagad ang pansamantalang numero sa unang pagkakataong awtomatikong tumingin ang Chrome browser kung may mga update. Kung nakatanggap ka o muli mong na-activate ang iyong kopya ng Chrome browser bilang bahagi ng isang pampromosyong kampanya, maaari din itong bumuo ng hindi natatanging pampromosyong tag na ipinapadala sa Google kapag naghahanap sa Google, at natatanging token na ipinapadala sa Google sa unang pagkakataon mong patakbuhin at gamitin ang browser pagkatapos ng pag-install, muling pag-install o muling pag-activate. Ang Chrome OS ay maaaring pana-panahong magpadala ng hindi natatanging pampromosyong tag sa Google (kasama ang sa panahon ng paunang pag-set up) at kapag naghahanap sa Google. Higit pa rito, maaaring magresulta ang mga field trial sa iba't ibang variation ng Chrome, at maaaring magpadala ang Chrome ng hindi natatanging impormasyon sa Google tungkol sa kung aling variation ang aktibo.
-
Nakikipag-ugnayan ang Chrome OS sa Google sa panahon ng paunang pag-setup ng device upang matukoy kung napapailalim ang device sa mga patakaran ng isang administrator ng enterprise. Kasama sa prosesong ito ang pagpapadala sa Google ng bahagi ng hash ng isang short-lived na tagatukoy ng device at pagtanggap pabalik mula sa Google ng isang listahan ng mga naka-hash na tagatukoy ng device na mga naging posibleng tugma, upang matukoy ng Chrome OS kung nasa listahang iyon ang device.
-
Nakikipag-ugnayan ang Chrome sa Google para sa mga patakaran sa session kapag unang nag-sign in ang isang user sa Chrome o nagsimulang mag-browse nang hindi nagsa-sign in (hindi kasama ang Guest mode) sa mga device na sumasailalim sa mga patakaran. Pana-panahong titingnan ng Chrome kung may mga update sa mga patakaran. Maaaring kasama sa mga patakaran ng enterprise ang pag-uulat ng status at aktibidad para sa Chrome (kasama na ang impormasyon ng lokasyon para sa mga Chrome OS device) na na-set up ng admin ng enterprise.
-
Kung magsa-sign in ka sa Chrome browser, Chrome OS o isang Android device na may kasamang Chrome bilang paunang naka-install na application sa iyong Google Account, i-e-enable nito ang feature na pag-synchronize. Iiimbak ng Google ang ilang partikular na impormasyon, gaya ng mga bookmark, kasaysayan at iba pang mga setting, sa mga server ng Google nang nauugnay sa iyong Google Account. Pinoprotektahan ng Patakaran sa Privacy ng Google ang impormasyong nakaimbak sa iyong Account. Iniimbak din namin ang impormasyong ito upang gawin itong available sa iyo sa iba pang mga instance ng Chrome kung saan pinili mong mag-sign in. Matuto nang higit pa tungkol sa partikular na impormasyon na maaari mong piliin na i-synchronize, at higit pa tungkol sa pag-disable sa feature na pag-synchronize ng Chrome sa Chrome browser.
-
Kung naka-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account at ginamit mo ang Google Drive, awtomatikong i-e-enable ang Drive at Docs para sa offline na paggamit. Sa sitwasyong iyon, o kung hindi man ay na-enable mo ang offline na paggamit sa isang Google application sa Chrome browser o nag-install ng isang Chrome application na nag-iimbak ng data sa iyong Google Drive account, maaaring makipag-ugnayan ang Chrome sa mga server ng Google at i-synchronize ang iyong data sa lokal na kopya upang i-enable ang offline na functionality.
-
Kung gagawa ka ng pinapangasiwaang user sa Chrome browser o sa Chrome OS gamit ang iyong Google Account, isi-synchronize at iiimbak ng Chrome ang ilang partikular na impormasyon, gaya ng kasaysayan at iba pang mga setting ng pinapangasiwaang user sa mga server ng Google nang nauugnay sa iyong Google Account. Iniimbak namin ang impormasyong ito upang maging available ito sa iyo sa chrome.com/manage. Ang impormasyong nakaimbak sa iyong account ay pinoprotektahan ng Patakaran sa Privacy ng Google.
-
Kung gagamitin mo ang tampok na Translate ng Chrome, ipapadala nito ang text na pipiliin mong ma-translate sa Google upang ma-translate.
-
Kung gagamitin mo ang tampok na Spellcheck ng Chrome, na nagbibigay-daan sa iyong gamitin ang parehong teknolohiyang ginagamit sa paghahanap sa Google upang suriin ang iyong spelling, ipapadala nito ang tekstong iyong tina-type sa Google para sa mga suhestiyon sa spelling at balarila.
-
Kung gagamitin mo ang tampok na speech input ng Chrome, magpapadala ito sa Google ng audio recording ng iyong sinabing query, default na wika ng browser at mga setting ng grammar ng web page na ginagamitan mo ng speech input. Gagamitin ng Google ang impormasyong ito upang ma-convert sa text ang na-record na audio. Kung na-enable mo ang mga istatistika ng paggamit at ulat ng pag-crash at ginagamit mo ang tampok na input na pananalita, magpapadala ng karagdagang impormasyon sa Google, kasama na ang URL ng website na gumagamit ng input na pananalita, ang iyong operating system, at ang manufacturer at modelo ng computer at audio hardware na iyong ginagamit.
-
Kung gagamitin mo ang tampok na AutoFill ng Chrome, na awtomatikong nagkukumpleto ng mga web form para sa iyo batay sa mga katulad na form na pinunan mo dati, magpapadala ang Chrome sa Google ng limitadong impormasyon tungkol sa mga pahinang may mga web form, kasama ang na-hash na URL ng web page at mga detalye tungkol sa istruktura ng form, upang mapahusay namin ang aming serbisyo ng AutoFill para sa web form na ito. Bagama't maaaring kasama sa impormasyong ipinapadala ng Chrome ang katotohanang nag-type ka ng impormasyon sa form, hindi ipapadala sa Google ang mismong tekstong na-type mo sa mga field maliban kung pinili mong iimbak ang data na iyon sa iyong Google Account gamit ang tampok na pag-synchronize ng Chrome.
-
Iaalok sa iyo ng ilang web form na pinapangasiwaan ng Chrome ang opsyong gamitin ang Google Wallet sa halip na ang feature na AutoFill ng Chrome upang kumpletuhin ang form at magbayad. Kung gagamitin mo ang Google Wallet, upang protektahan ka sa panloloko, mangongolekta ang Chrome ng impormasyon tungkol sa iyong computer (kasama ang lokasyon nito) at ibabahagi ito sa Google Wallet.
-
Kung ginagamit mo ang tampok sa lokasyon ng Chrome, na nagbibigay-daan sa iyong ibahagi ang iyong lokasyon sa isang web site, magpapadala ang Chrome ng impormasyon ng lokal na network sa Mga Serbisyo sa Lokasyon ng Google upang makakuha ng tinantiyang lokasyon. Matuto nang higit pa tungkol sa Mga Serbisyo sa Lokasyon ng Google at pagpapagana / hindi pagpapagana ng mga tampok na lokasyon sa loob ng Google Chrome. Maaaring kasama sa impormasyon ng lokal na network ang (depende sa mga kakayahan ng iyong device) impormasyon tungkol sa mga wifi router na pinakamalapit sa iyo, mga cell ID ng mga cell tower na pinakamalapit sa iyo, ang lakas ng signal ng iyong wifi o cell, at ang IP address na kasalukuyang nakatalaga sa iyong device. Ginagamit namin ang impormasyon upang iproseso ang hiling sa lokasyon at upang patakbuhin, suportahan, at pagbutihin ang pangkalahatang kalidad ng Chrome at Mga Serbisyo sa Lokasyon ng Google. Ang nakolektang impormasyon na inilarawan sa itaas ay ia-anonymize at pagsasama-samahin bago gamitin ng Google upang bumuo ng mga bagong tampok o produkto at serbisyo, o upang pagbutihin ang pangkalahatang kalidad ng alinman sa iba pang mga produkto at serbisyo ng Google.
-
Kung gumagamit ka ng mobile na bersyon ng Chrome, at binigyan mo ng pahintulot ang Google apps sa Android o Chrome sa iOS na i-access ang iyong lokasyon, maaaring gamitin ng Chrome ang iyong lokasyon para sa mga serbisyo ng Google na naka-enable sa lokasyon, kabilang, halimbawa, ang pagpapahusay sa mga paghahanap sa omnibox.
-
Kung susubukan mong kumonekta sa isang website ng Google gamit ang isang secure na koneksyon, at na-block ng browser ang koneksyon dahil sa impormasyong nagsasaad na may aktibong umaatake sa iyo sa network (isang "man in the middle na pag-atake"), maaaring magpadala ang Chrome ng impormasyon tungkol sa koneksyong iyon sa Google upang makatulong sa pagtukoy sa saklaw ng pag-atake at kung paano gumagana ang pag-atake.
-
Kung i-e-enable mo ang tampok ng Chrome na “Bawasan ang paggamit ng data” sa iyong mobile device, ipapadala ng Chrome ang iyong trapiko sa HTTP sa pamamagitan ng mga server sa pag-optimize ng Google upang mabawasan ang dami ng data na dina-download at mapahusay ang pagganap. Naka-disable ang serbisyo sa pag-optimize para sa mga koneksyon sa mga HTTPS na pinagmulan, at para sa mga koneksyong nagawa mula sa mga tab na Incognito.
-
Para sa Chrome browser at Chrome OS, maaari mong piliing magpadala ng mga istatistika ng paggamit at ulat ng pag-crash sa Google. Mapapamahalaan mo ang setting na ito sa loob ng pahina ng mga kagustuhan sa Chrome; para sa mga user ng Chrome OS, naka-enable ang mga istatistika ng paggamit at ulat ng pag-crash bilang default. Malalapat ang setting na ito sa lahat ng user para sa isang tukoy na pag-install ng Chrome. Ang mga istatistika ng paggamit at ulat ng pag-crash ay nakakatulong sa aming mag-diagnose ng mga problema, maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa Chrome, at pagbutihin ang pagganap ng Chrome.
-
Sinusubukan ng Chrome na iwasang magpadala ng impormasyong personal na nakakapagpakilala sa iyo. Gayunpaman, ang mga ulat ng pag-crash ay maaaring maglaman ng impormasyon ng system kapag may hindi gumana nang tama, at mga error na humahantong sa paggana nang hindi tama. Maaari kaming magbahagi sa mga third party ng ilang partikular na pinagsama-sama at hindi personal na impormasyon na nakuha namin sa aming pagsusuri, gaya ng kung gaano kadalas nagaganap ang ilang partikular na uri ng mga pag-crash.
Impormasyong natatanggap ng Google kapag ginagamit mo ang tampok na Ligtas na Pagba-browse sa Chrome o iba pang mga browser
Kasama ng Google Chrome at ilang partikular na mga third party na browser (kabilang ang ilang bersyon ng Firefox ng Mozilla at Safari ng Apple) ang tampok na Ligtas na Pagba-browse. Nagpapadala at nakakatanggap ang Ligtas na Pagba-browse ng impormasyon sa pagitan ng browser na iyong ginagamit at mga server ng Google tungkol sa mga kahina-hinalang website -- halimbawa, kapag bumisita ka sa isang site na pinaghihinalaang isang site ng phishing o malware.
Pana-panahong makikipag-ugnayan ang iyong browser sa mga server ng Google upang i-download ang pinakakamakailang listahan ng "Ligtas na Pagba-browse," na naglalaman ng mga kilalang site ng phishing at malware. Hindi nangongolekta ang Google ng anumang impormasyon ng account o iba pang personal na nakakapagpakilalang impormasyon bilang bahagi ng contact na ito, ngunit nakakatanggap ito ng karaniwang impormasyon ng log, kasama na ang isang IP address at isa o higit pang cookies. Lokal na iniimbak sa iyong system ang pinakabagong kopya ng listahan.
Ang bawat site na binibisita mo ay sinusuri kumpara sa listahan ng Ligtas na Pag-browse sa iyong system. Kung mayroong tugma laban sa listahan, padadalhan ng iyong browser ang Google ng isang na-hash, hindi buong kopya ng URL ng site upang makapagpadala ang Google ng higit pang impormasyon sa iyong browser. Hindi matutukoy ng Google ang tunay na URL mula sa impormasyong ito. Magbasa nang higit pang impormasyon kung paano ito gumagana.
Bilang karagdagan, ang mga sumusunod na tampok ng Ligtas na Pagba-browse ay tukoy sa Chrome:
-
Ilang bersyon ng teknolohiya ng Ligtas na Pagba-browse na tampok ng Chrome na makakatukoy ng potensyal na nakakahamak na mga site at mga pag-download ng executable file na hindi pa kilala ng Google. Maaaring ipadala sa Google ang impormasyon tungkol sa isang potensyal na nakakahamak na site o pag-download ng executable file (kasama ang buong URL ng site o pag-download ng executable file) upang makatulong na matukoy kung nakakahamak ang site o pag-download. Hindi nangongolekta ang Google ng anumang impormasyon ng account o iba pang personal na nakakapagpakilalang impormasyon bilang bahagi ng contact na ito, ngunit nakakatanggap ito ng karaniwang impormasyon ng log, kasama na ang isang IP address, URL na binisita at isa o higit pang cookies.
-
Maaari mong piliing magpadala ng karagdagang data upang makatulong na mapabuti ang Ligtas na Pagba-browse kapag nag-access ka ng isang site na mukhang naglalaman ng malware. Ipinapadala ang data na ito kapag isinara mo o nag-navigate ka palayo mula sa isang pahina ng babala ng Ligtas na Pagba-browse. Naglalaman ng data ang mga ulat, gaya ng URL at mga nilalaman ng website gayundin ang URL ng pahinang nagdirekta sa iyo sa site na iyon, na maaaring gamitin ng Google upang i-verify kung naghahatid pa rin ang website ng nilalaman na maaaring manamantala ng mga user.
-
Kung naka-enable ang mga statistics sa paggamit sa Chrome at bumisita ka sa isang site na sa tingin namin ay maaaring maging mapanganib, ibabahagi sa Google ang ilang partikular na karagdagang data, kasama ang kumpletong URL na iyong binisita, ang header na "
referer" na ipinadala sa pahinang iyon, at ang URL na tumugma sa listahan ng Ligtas na Pagba-browse. -
Maaari mong piliin anumang oras na i-disable ang feature na Ligtas na Pagba-browse sa Chrome.
Impormasyong natatanggap ng mga operator ng website kapag bumisita ka sa isang site gamit ang Chrome
Ang mga site na iyong binibisita gamit ang Google Chrome ay awtomatikong makakatanggap ng karaniwang impormasyon ng log katulad ng natatanggap ng Google. Maaari ding magtakda ang mga site na ito ng sariling cookies ng mga ito o mag-imbak ng data ng site sa iyong system. Maaari mong paghigpitan ang cookies at iba pang data ng site sa pahina ng mga kagustuhan ng Chrome.
Kung naka-enable ang feature na paghula sa mga pagkilos sa network ng Chrome, maaaring hanapin ng Chrome ang mga IP address ng lahat ng link sa mga webpage at buksan ang mga koneksyon sa network upang mas mabilis na makapag-load ng mga webpage. Ang mga site ay maaari ding gumamit ng teknolohiya ng paunang pagre-render upang paunang i-load ang mga link na maaari mong i-click sa susunod.
Kung gagamitin mo ang Chrome sa mode na incognito (o sa mode ng bisita sa Chrome OS), hindi ito magpapadala ng anumang umiiral nang cookies sa mga site na iyong bibisitahin. Maaaring maglagay ng bagong cookies ang mga site sa iyong system habang ginagamit mo ang mga mode na ito; pansamantala lang iiimbak at ipapadala sa mga site ang cookies na ito habang ikaw ay nasa mode na incognito/mode ng bisita. Matatanggal ang mga ito kapag isinara mo ang browser, isinara mo ang lahat ng bukas na incognito window o lumabas ka sa mode ng bisita.
Kung pipiliin mong gamitin ang tampok sa lokasyon ng Chrome, magbibigay-daan sa iyo ang serbisyong ito na ibahagi ang iyong lokasyon sa isang site. Hindi papayagan ng Chrome ang isang site na i-access ang iyong lokasyon nang wala ang iyong pahintulot. Walang kontrol ang Google sa mga third party na webiste o sa kanilang mga kasanayan sa privacy. Mangyaring maingat na isaalang-alang ang anumang mga kasanayan sa privacy ng website bago pumayag na ibahagi ang iyong lokasyon sa website na iyon.
Impormasyong iniimbak sa iyong system kapag gumagamit ka ng Chrome
Nag-iimbak nang lokal ang Chrome ng ilang impormasyon sa iyong system. Maaaring kasama rito ang:
-
Pangunahing kasaysayan sa pagba-browse, halimbawa, ang mga URL ng mga pahinang iyong binibisita, isang cache file ng teksto at mga larawan mula sa mga pahinang iyon, at isang listahan ng ilang IP address na naka-link mula sa mga pahinang iyong binibisita.
-
Isang nahahanapang index ng karamihan ng mga pahinang binibisita mo (maliban sa mga secure na pahinang may mga "https" na address sa web, gaya ng ilang blangkong pahina)
-
Mga screenshot na kasing laki ng thumbnail ng karamihan ng mga pahinang binibisita mo
-
Cookies o data ng storage sa web na inilalagay ng mga website na binibisita mo sa iyong system
-
Lokal na nakaimbak na data na na-save ng Mga Add-on
-
Isang talaan ng mga pag-download na iyong isinagawa mula sa mga website
Maaari mong piliing tanggalin ang impormasyon ng iyong kasaysayan ng pagba-browse anumang oras, ang lahat ng ito o bahagi lang nito.
Maaari mo ring limitahan ang impormasyong iniimbak ng Chrome sa iyong system sa pamamagitan ng paggamit ng mode na incognito (o mode ng bisita sa Chrome OS). Sa mga mode na ito, hindi mag-iimbak ang Chrome ng karaniwang impormasyon sa kasaysayan ng pag-browse gaya ng mga URL, naka-cache na teksto sa pahina, o mga IP address ng mga pahinang naka-link mula sa mga website na iyong binibisita. Hindi rin ito mag-iimbak ng mga snapshot ng mga pahinang iyong binibisita o magpapanatili ng tala ng iyong mga pag-download (bagama't maaari pa ring maimbak ang impormasyong ito sa ibang lugar sa iyong system, hal. sa isang listahan ng mga kamakailang nabuksang file). Hindi mase-save ang bagong cookies na natatanggap sa mga mode na ito pagkatapos mong isara ang iyong browser, isara ang lahat ng bukas na incognito window o lumabas sa mode ng bisita. Makikita mo kapag nasa mode na incognito / mode ng bisita ka dahil lumalabas ang icon ng incognito sa kanang sulok sa tuktok ng iyong browser; sa ilang sitwasyon, maaari ding magbago ang kulay ng border ng iyong browser window.
Kapag gumawa ka ng mga pagbabago sa configuration ng iyong browser, gaya ng pagbu-bookmark ng web page o pagbago sa iyong mga setting, sine-save din ang impormasyong ito. Hindi naaapektuhan ng mode na incognito / ng bisita ang mga pagbabagong ito.
Mapipili mong ipa-save sa Chrome ang iyong mga password para sa mga partikular na website. Maaaring suriin ang mga nakaimbak na password sa mga setting ng Chrome.
Mga Natatangin Identifier para sa Digital Rights Management
Upang payagang ma-access ang ilang partikular na content gamit ang Chrome browser para sa Windows o Chrome OS, maaaring kailanganin ng Chrome na magbigay sa mga piling kasosyo sa content at website na gumagamit ng Adobe Flash Access ng natatanging identifier na naka-imbak sa iyong system. Maaari mong i-disable ang feature na ito sa mga setting o i-reset ang value ng natatanging identifier sa pamamagitan ng muling pag-i-install sa operating system.
Ang iyong natatanging identifier ay maaaring i-ugnay ng mga partido, na pinagbigyan nito, sa impormasyong personal na nakakapagpakilala na ibinigay mo sa kanila. Ang paggamit ng Google ng natatanging identifier upang magbigay ng nilalaman mula sa mga server ng Google ay saklaw ng Patakaran sa Privacy ng Google. Kung nag-a-access ka ng nilalaman mula sa isang serbisyo ng third party, dapat na suriin mo ang mga patakaran sa privacy ng mga party na iyon upang matuto nang higit pa.
Paggamit ng apps, mga extension, tema, serbisyo at iba pang add-on sa Chrome
Maaari kang gumamit ng apps, mga extension, tema, serbisyo at iba pang add-on ("Mga Add-on") kasama ng Chrome, kasama ang ilan na maaaring pauna nang na-install o naisama sa Chrome at ang ilan na maaari mong makuha sa Chrome Web Store o sa iba pang mga pinagmulan.
Bago mag-install ng Add-on, dapat mong suriin ang mga hinihiling na pahintulot. Maaaring nakadisenyo ang mga add-on upang mag-imbak, mag-access, at magbahagi ng data na lokal na naka-imbak o nasa iyong Google Drive account. Maaaring gumamit ang mga add-on ng mga notification na ipinapadala sa pamamagitan ng mga server ng Google. Maaaring tumingin, mag-download, at mag-install ang Chrome ng mga update sa iyong Mga Add-on. Ang Chrome ay maaaring magpadala sa Google ng mga tagapagpahiwatig ng paggamit para sa mga naka-install na Add-on. Ang ilang add-on ay maaaring mangailangan ng access sa isang natatanging identifier para sa digital rights management. Maaari mong i-disable ang paggamit ng ganitong identifier sa pamamagitan ng pag-aalis ng add-on sa Chrome.
Paminsan-minsan, maaaring makatuklas ang Google ng Add-on na nagbibigay ng kaluwagan sa seguridad o lumalabag sa mga tuntunin ng developer para sa Chrome Web Store o iba pang mga legal na kasunduan, batas, regulasyon o patakaran. Maaaring pana-panahong mag-download ang Chrome ng listahan ng mga ganoong Add-on mula sa mga server ng Google, at maaaring i-disable o alisin ng Google ang mga ganoong Add-on nang malayuan sa mga system ng user sa sarili nitong paghuhusga.
Maaaring makipag-ugnay ang Mga Add-on na binuo at ibinigay ng Google sa mga server ng Google at napapailalim ang mga ito sa Patakaran sa Privacy ng Google maliban kung iba ang nakasaad. Ang Mga Add-on na binubuo at ibinibigay ng mga third party ay pananagutan ng mga naturang third party at maaaring mapailalim sa mga patakaran sa privacy ng third party. Halimbawa, isang bersyon ng Adobe Flash Player na plug-in ay paunang naka-install sa Chrome. Ang website ng Adobe sa www.adobe.com ay nagbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa privacy ng Adobe patungkol sa Flash Player, at maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa hindi pagpapagana sa Flash Player o anumang iba pang mga plug-in.
Mga Gamit
Pinoproseso ang impormasyong natatanggap ng Google kapag gumamit ka ng Chrome upang mapatakbo at mapahusay ang Chrome at iba pang mga serbisyo ng Google. Napapailalim ang impormasyong natatanggap ng iba pang mga tagapagpatakbo ng website sa mga patakaran sa privacy ng mga website na iyon. Nag-iimbak ang Chrome ng impormasyon sa iyong system upang mapahusay ang pagganap ng Chrome at upang mabigyan ka ng mga kapaki-pakinabang na tampok at serbisyo.
Higit pang impormasyon
Sumusunod ang Google sa mga prinsipyo sa privacy ng US Safe Harbor. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa balangkas ng Safe Harbor o sa aming pagpaparehistro, tingnan ang web site ng Department of Commerce.
Available dito ang karagdagang impormasyon tungkol sa Chrome.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy, pumunta sa buong patakaran sa privacy. Kung mayroon kang mga karagdagang tanong, mangyaring konsultahin ang page na ito.